taning
akala natin maayos na ang lahat… lilipas ang mga araw, buwan o maging taon… mistulang permanente na ang kislap sa bawat ngiti…
hanggang malalaman na lang nating iilang oras na lang ang natitira… sa ganda ng umagang itatago na ng gabi… tila liwanag na pakukupasin na ng dilim…
tila lahat ng bagay ay malulunod na ng kalungkutan… hindi maaninag ang pag-asa… tuluyan ng mawawalang saysay ang sigla… tuluyang makakalimot sa paghinga…
kung kelan akala mo na nakita mo na ang iyomg ligaya;
kung kelan akala mong may pupuntahan na ang lahat;
kung kelan akala mo na wala ng puwang ang pag-iisa…
dun darating ang di inaasahan… sakim nga ba ang panahon para bawiin ang sigla, ang ngiti, ang buhay?
isusuko na lamang ba ang lahat? ititigil na lamang ba ang kahibangan? hahayaan na lamang ba na mabalewala ang lahat?
maya maya pa’y nasa bingit na ang lahat ng isang paalam…
at sa huli’y maiiwan kang sugatan at wala ng pakiramadam… walang ganang sumaya, ngumiti, malungkot, magalit, magtanong, mag-isip… ilang mga bagay na hahayaan na lamang sa kawalan…